Sunday, October 2, 2011

Isang simpleng tula.. para sa aking pnakamamahal talaga..

O, aking napakagandang anghel!
Ika'y mas matingkad pa sa bituing kahel
Dati ako ay mas malungkot pa sa single
Ngunit ng ika'y makilala, prang ako'y nsa Tore ng Eiffel

Tuwing ika'y aking nakikita, puso'y tumatalon sa saya
Hindi ko man maipakita, ako'y kinikilig ng sobra sobra
Pag ako'y may problema, ikaw ang sandalan ko sa tuwina
Kapag ika'y aking nakikita, lahat ng pagsubok aking kinakaya!

Salamat sa Poong Maykapal, sinagot nya ang aking panalangin,
Ika'y dumating para sakin, ang loob ko'y paluwagin
Ako'y narito lamang, lagi lagi kang iibigin
Lahat aking gagawin, isasalba kahit sa napakatarik na bagin

O sinta, maraming pagsubok ang ating pinagdaraanan
Ngunit dahil sa pag-ibig, nagawa natin itong lagpasan
Bawat lambing mo sakin, hindi matutumbasan ng buong kalawakan
sa paglipas ng panahon, sana'y pagtibayin natin ang ating pagsasamahan

Ika'y aking minamahal ng todo todo at mula sa kaibuturan ng puso
Ngayong ika'y aking sinusuyo,
Akin bang matitikman, matamis mong oo?

No comments: